HINDI isyu kay Mark Herras kung dati ay leading man siya ni Kris Bernal sa dalawang serye at ngayon ay kuya na sa bagong serye ng GMA. Hindi naman daw siya maramot kung binigyan ng chance si Hiro Peralta na maging kapartner ni Kris.
Walang problema kay Mark kung suportahan niya si Kris. At least, hindi siya bakante bukod sa serye nila ni Janine Gutierrez. Mas okey na ‘yung marami siyang proyekto kaysa mag-inarte at nganga.
Bukod dito, itinuturing niyang blessing na makatrabaho ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor. Starstruck pa rin siya kahit ilang beses na raw sila nagkakuwentuhan ni Ate Guy.
Challenge rin sa kanya na hindi mag-take 2 ‘pag kaeksena si Nora kaya naman minememorya niya talaga ang mga line niya. Cool daw si Ate Guy at sinabi pa niya na ‘wag mailang at maging relax lang ‘pag may eksena. Napansin kasi ng superstar na kinakabahan siya.
Talbog!
ni ROLDAN CASTRO