Gawain ni Barangay Chairman… illegal?
Johnny Balani
November 26, 2015
Opinion
KAMAKAILAN lang mga ‘igan, sa Bulwagan ng Manila City Hall, Oktubre 16, 2015, nang lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Meralco at ng City of Manila hinggil sa kanilang “Energizing Partnership Program.” Dahil dito, ang Programang tinatawag na “Elevated Metering Centers (EMC) Conversion Project” ng Meralco, na aprubado ng “Energy Regulatory Commission (ERC) ay inindorso sa Manila Barangay Bureau (MBB) upang ibahagi ito sa mga Barangay ng iba’t–ibang Distrito ng Maynila.
Maganda nga ba at sa kapakinabangan ba ito ng mga mamamayan, partikular sa Maynila, itong pagpapataas ng mga Kuntador ng Kuryente? Ayon kay Meralco–Tutuban Business Center Head Leonardo R. Delos Reyes, ng makapanayam ni Bato-Bato*Balani…”The Project was to Ensure Safety, Protect Consumer’s Interest, Reduce System Loss and Give Opportunity to the Households to have Legal Electric Service.” Very Good” ‘yan mga ‘igan!
Sa pamamagitan nga ng Manila Barangay Bureau, ay naging madali ang pagsasagawa ng nasabing Proyekto sa mga Barangay ng Maynila, District I–VI. Maraming Barangay Chairman ang sumuporta, dahil una sa lahat, gustong–gusto na nila umanong maging ligal ang kuryenteng dumadaloy sa kani–kanilang Barangay. Maging ang mga residente ay tuwang–tuwa, sapagkat magkakaroon na sila ng kani–kanilang Kuntador ng Ilaw at tuluyan ng mawawala ang kanilang agam–agam sa pagkakaroon ng sunog, dahil sa mga iligal o’ “jumper” na mga kuryente sa Barangay na kanilang kinabibilangan.
May mga Barangay Chairman din namang sumalungat sa Proyektong ito ng Meralco. Isa na rito si Punong Barangay (P/B) Alexander L. Guilas ng Brgy. 185 Zone 16 District II, Tondo, Manila, sa may Pampanga St. Gagalangin, Tondo, Manila. Ayon sa aking “Pipit,” super tanggi talaga itong si Chairman Gurillas ‘este’ Guilas sa hindi malamang dahilan. Marami na umanong “Schedule of Meetings/Dialogues” ang Meralco kay Chairman Guilas, pero “Deadma” lang lagi ito, ika nga “Taking it for Granted…” Minsan binisita rin ito ng aking “Pipit,” iba–iba ang sinasabi ng mga alipores ni Mang Alex…”Ay, wala po si Chairman; Ay, nasa Seminar po si Chairman, pero hindi ko po alam kung anong Seminar po ang pinuntahan n’ya; Ay, sandali po tatawagin ko, kausap ko lang po kanina…ay umalis daw po (sabi n’ya he he he…).” Ay naku Chairman, ang taguan ay laro lamang ng mga bata! Nakikipagtaguan ka ba o’ may tinatago ka? He he he…
Aba’y teka, nahimigan ng aking “Pipit” na iligal umano ang ilang kuryenteng dumadaloy sa Barangay ni Guilas. Halimbawa, ang Barangay Hall at ang Basketball / Covered Court ni Chairman Guilas…may “Legal Connections” ba ang Kuryenteng gamit dito? Ay sus Chairman, “very bad” ‘yan kung may katotohanan ang isyung ito sa Barangay mo! Tuldukan na ang katiwaliang ito at panagutan kung kinakailangan ng mga kasabwat sa katarantaduhang ito. At dagdag pa ng aking “Pipit,”…na iparating umano sa kaalaman mo na hindi totoong nagbibigay ng salapi / pera ang Meralco sa mga Barangay Chairman, maisakatuparan lamang ang kanilang Proyekto. Ito po ba kaya ang hinihintay ng “Mamang” ito? Ay naku Chairman, kahit dumating ang Pasko ng Pagsilang at Pasko ng Pagkabuhay ay wala pong darating na P50,000 para sa’yo he he he…
Payo lamang po ng BBB, iisang-tabi muna ang pansariling–interest! Bagkus, ang isaisip ay ang kapakanan at lalung–lalo na ang kaligtasan ng inyong Barangay. Huwag n’yong hayaang magsakripisyo ang inyong Ka-Barangay, na dapat ang s’yang No. 1 sa lahat ng bagay! Do the Right Things…And Do Things Right…