Friday , November 15 2024

Bigyan ng katarungan ang Maguindanao Massacre victims — Alunan

NANAWAGAN si dating Department of  Interior and Local Government secretary Rafael Alunan III sa Department of Justice (DOJ) na pabilisin ang proseso ng paglilitis laban sa mga sangkot sa Maguindanao Massacre na nasa ikaanim na taon na nitong Lunes.

Ayon kay Alunan, mahigit 150 testigo at libo-libong pahina na ang iprinisinta ng prosekusyon pero wala pa rin nahahatulan kahit isa ang special court sa ilalim ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na may hawak sa kaso.

“Sa halalan noong 2010, nangako si Pangulong Aquino na mahahatulan sa kanyang pamumuno ang lahat ng sangkot sa Maguindanao Massacre pero matatapos na ang kanyang termino sa 2016 ay nasa depensa pa lamang ang paglilitis,” diin ni Alunan na kandidatong senador sa ilalim ng Bagumbayan Party kasama si da-ting senador Richard “Dick” Gordon.

Naganap ang masaker noong Nobyembre  23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao, na umabot sa 58 katao ang namatay kabilang ang 32 mamamahayag na inilarawang pinakamalalang maramihang pagpatay sa miyembro ng Fourth Estate sa kasaysayan.

“Sana, makagawa ng paraan ang husgado na mapabilis ang proseso ng paglilitis dahil patuloy ang paghihirap ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre hangga’t hindi  nila nakakamit ang napakailap na katarungan,” dagdag ni Alunan.

Nangako naman si Alunan na kung papalaring magwagi sa halalan ay ipapanukala niyang ide-criminalize na ang kasong libelo na ginamit noon pang panahon ng mga Amerikano para gipitin ang mga mamamahayag na Filipino.

“Panahon na siguro upang baguhin ang batas natin laban sa libelo lalo’t hindi ito nakatutulong upang mahadlangan ang sunod-sunod na pagpaslang sa mga mamamahayag sa ating bansa, lalo sa mga broadcaster,” dagdag ni Alunan. “Dapat sigurong maging kasong sibil na lamang ito hindi tulad ngayon na ginagamit ang kasong ito upang gipitin ang mediamen.”

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *