Friday , November 15 2024

2 FA-50s fighter jets na binili sa S. Korea darating na

AMINADO ang pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na super excited sila sa pagdating ng dalawang fighter jets sa bansa. 

Sa Biyernes, Nobyembre 27, ide-deliver sa bansa ang dalawa sa 12 FA-50s fighter jets na binili ng pamahalaan sa South Korea.

Ayon kay Philippine Air Force (PAF) spokesperson Col. Enrico Canaya, lalapag ang dalawang fighter jets sa Clark Air Field Pampanga mula sa South Korea.

Ito ang kauna-unahang touchdown ng fighter jets sa Philippine soil.

Sinabi ni Canaya, mismong si Defense Secretary Voltaire Gazmin ang sasalubong sa pagdating ng dalawang fighter jets.

Pahayag ni Canaya, mga pilotong Korean pa ang magpapalipad ng nasabing fighter jets dahil pagdating sa bansa, magkakaroon ng acceptance flight at saka magkakaroon ng formal turn-over sa Philippine Air Force (PAF).

Nilinaw ni Canaya, sa pagdating ng dalawang fighter trainer jets ay hindi pa magaganap ang formal turn-over dahil may mga proseso pa itong daraanan bago mapasakamay ng AFP ang dalawang bagong trainer jets.

Pagtiyak ng opisyal, ang 10 iba pang jets ay ide-deliver sa bansa ng dalawang batches hanggang 2017.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *