Monday , December 23 2024

1st US destination inianunsiyo ng Cebu Pacific

NAKATAKDANG ilunsad ng leading carrier ng Filipinas, Cebu Pacific Air (PSE:CEB), ang four times weekly service sa pagitan ng Manila at Guam sa Marso 15, 2016.

Ang Guam ang kauna-unahang US destination ng airline.

Tanging ang CEB ang low-cost carrier na lilipad sa pagitan ng Filipinas at Guam. Sa pagpapalawak na ito, ang airline ay mag-aalok ng trademark nitong mababang pasahe sa Filipino community sa Guam, kasalukuyang 26% ng populasyon ng isla.

“Having Guam in our network sets us off on another expansion path across the Pacific. With the launch of Guam, we offer fares that are up to 83% lower than other airlines. Fares this low can only mean more tourists to both countries, more Filipinos visiting home, and more opportunities for everyone,” pahayag ni CEB President and CEO Lance Gokongwei.

Sa nakaraang data, ang Manila–Guam route ay ‘relatively underserved’ kompara sa ibang destinasyon na may maliit na Filipino populations.  Mayroong tinatayang 5,900 weekly seats na currently available mula Manila at Guam. Ang pagpasok ng CEB sa market ay magdaragdag ng 1,440 seats sa pool na ito, na magpapalawak pa sa air traffic sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa pagpapasimula ng Guam route, ang CEB ay mag-aalok ng P2,500 all-in seats, available hanggang Nobyembre 29, 2015 o hanggang sa maubos ang seats. Ang mga ito ay para sa biyahe mula Marso 15 hanggang Nobyembre 30, 2016.

Pagkaraan ng seal sale, ang CEB all-in fares patungo sa Guam ay mula P7,197, na tinatayang 40% na mababa kaysa ibang airlines.

Ang CEB’s Guam route ay mag-o-operate kada Martes, Huwebes, Sabado at Linggo, at gagamitin ang brand-new Airbus A320 fleet ng airline.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *