Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

STL operators protektado ng PCSO board (Kamay ni Chairman Maliksi ‘iginagapos’)

1125 FRONT”Hindi ako makagalaw laban sa mga katiwalian ng STL operations. Nakagapos ang kamay ko sa kontrol ng mayorya ng PCSO Board,” pahayag kahapon ng tserman ng naturang ahensiya na si Ireneo ‘Ayong’ Maliksi.

 Inihayag ni Maliksi na bilang tserman ng grupong nagpapasiya sa mga polisiya ng PCSO ay limitado ang kanyang poder upang isulong ang reporma sa operasyon ng STL na umano’y tadtad ng katiwalian “bukod pa sa ginagawa itong prente lang ng jueteng.”

 Ang pahayag ni Maliksi ay kaugnay sa natuklasan noong isang araw sa pagdinig sa Kamara na halos P3 bilyon ang napababayaan ng PCSO na bayarin ng STL operators para sa documentary stamp tax.

Ang nasabing halaga ay mula sa 10 porsiyentong butaw sa documentary stamp na dapat bayaran ng STL operators para sa benta ng loterya mula noong 2006 hanggang 2015 na ang kabuohan ay umaabot sa P29 bilyon.

Ayon kay Maliksi, pananagutan ni PCSO general manager Rojas at ng kanyang management team ang kabiguang makolekta ang sobrang laking halaga na dapat sana ay agarang nalilikom ng gobyerno sa pamamagitan ng BIR.

Sinabi ni Maliksi na bukod sa isyung P2.9 bilyong back taxes ay marami pang dapat iwasto sa operasyon ng STL tulad umano ng beripikadong paggamit sa nasabing loterya bilang prente ng jueteng.

“Maging ang pagpapababa ng sales report ng mga operator mula sa kanilang aktuwal na benta ay gusto ko sanang maituwid, pero hinadlangan ito ng mayorya ng PCSO Board,” pahayag ni Maliksi.

Kanyang ipinaliwanag na anomang aksiyon o resolusyon na inihahain niya bilang tserman ng policy-making body ng PCSO ay ibinabasura ng mayorya ng Board na ang ilan sa kanila ay obyus umano ang pagkiling sa mga operator ng STL.

Ibinigay niyang halimbawa ang kanyang suhestiyon na balasahin ang mga tauhan ng PCSO na mamamahala sa bawat erya na may larong loterya, “pero nang marinig ng Board members ang adyendang balasahan ay agad itong pinalagan at ang iba ay nagsitayo pa na akmang magwo-walkout.”

“Iginagapos nila ang mga kamay ko, o lagi nila akong out-voted, sa anomang desisyon ng usapin na ang aking pananaw o aksiyon bilang tserman ay kontra sa kanilang kagustuhan o interes,” pahayag ni Maliksi na may himig pagdaramdam.  

Sinabi ni Maliksi, maging ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasabing totoo at tunay ang mga paglabag ng STL operators sa mga alituntunin ng PCSO ay siniraan pa ng ilang miyembro ng Board na nagsabi umanong kalokohan lang ang report ng NBI.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …