NAGPASIKLAB si Kevin Love matapos mamarako ng 34 puntos upang saklolohan ang Cleveland Cavaliers sa 117-103 panalo kontra Orlando Magic kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular seson.
Bukod sa season-high puntos ni Love kumana rin siya ng eight rebounds at four assists upang ilista ng Cavaliers ang 11-3 karta, ang 8-0 sa home.
Hindi naman nagpadaig ang four-time MVP at basketball superstar LeBron James dahil may bagong tinatak na history sa NBA.
May tinikadang 15 points at 13 assists si James para samahan si legendary Oscar Robertson na ang tanging player na nag rank sa top 25 sa career points at assists.
‘’He’s a guy who laid the foundation,’’ patungkol ni James kay Robertson, ‘’and I’m just trying to carry it on.’’
Sa kanyang pang-limang assists, nalampasan ni James si Norm Nixon (6,386) sa 25th place at makasama si Robertson na isang Hall of Fame at may 26,710 points at 9,887 assists.
At malapit ng lampasan ito ni James.
Nagpasalamat naman si James sa mga nakatulong niya para makuha ang karangalan.
Hindi alam ni Cleveland coach David Blatt na natapatan ni James si Robertson hanggang sa matapos ang laban.
‘’That gives me chills to even hear that,’’ saad ni Blatt. ‘’That’s an amazing, amazing accomplishment.’’
Nag-ambag din si J.R. Smith ng season-high 26 puntos habang si Matthew Dellavedova ay may 15 puntos para sa Cleveland. ( ARABELA PRINCESS DAWA )