Sunday , December 29 2024

Aprub ba kay SoJ Ben Caguioa ang “one-stop-shop” visa processing?

immigrationSA KABILA raw ng ating mga inilahad, tuloy pa rin daw ang sinasabing one-stop-shop processing ng visa riyan sa Rm. 426 courtesy ng isang Atty. Paminta ‘este’ Maminta.

Since bigyan ng blessing ni Pabebe-Comm. Fred ‘greencard’ Mison ang tinaguriang “one-stop-shop” diyan sa 4th floor ng BI main office, hindi nag-aksaya ng panahon si Atty. Maminta at bigla agad naisipan na mag-expand ng kanyang puwesto kaya pilit tinatarget ang mga opisinang hindi naman gaano nagpa-function at gusto agad magpagawa ng extension office dahil na rin sa dami ng kliyenteng travel agents!?

Para palang style-China si Atty. Maminta na gustong sakupin ang mga karatig-opisina?

Hehehe…

Walastik!!!

Kabilis namang lumago ang negosyo ‘este trabaho nilang dalawa ni Pareng Fredo?

Baka naman ‘pag tagal-tagal ‘e magpa-franchise na kayo?

Kaya lang nakapagtataka raw na kahit anong toxic na raw ng office nitong si Atty. Paminta ‘este’ Maminta,  ayaw pa rin daw nito ipamigay ang ibang case folders?

Hindi rin maiwasan na may mga natutulog na ilang kaso lalo na raw ‘yung mga kasong walang karga?

How true na para palang kotse raw ang isang abogado riyan na pag walang gasolina hindi aandar?

SOJ Ben Caguioa, kayo po ba ay na-inform hinggil sa one-stop-shop visa processing ni Atty. Maminta sa 4th floor ng BI main office?!

Dumaan ba sa inyong approval ang bagong sistema na ito ng BI?

Pakitanong din po sa anak ni Mang Badong kung siya ay nagpaalam sa inyo?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *