Monday , December 23 2024

9 informants nakatanggap ng P22.5-M reward

NAGING instant milyonaryo ang siyam civilian informants na tumanggap ng reward money kahapon.

Hindi pinangalanan ng AFP ang siyam impormante na binigyan ng pabuyang salapi para na rin sa kanilang seguridad.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Restituto Padilla, ang P22.5 milyon ay paghahatian ng 9 tipsters.

Ito ay reward sa pagkakadakip sa dalawang mataas na miyembro ng NPA, tatlong lider ng Abu Sayyaf at apat tauhan na itinuro ng mga impomante sa mga awtoridad.

Pinakamataas na may patong na reward na P5.8 milyon ang nadakip na NPA commander na si Eduardo Esteban, ikalawa ang ASG na si Khair Mundos na may P5.3 milyon reward.

Sa P22.5 milyong reward na pinakawalan para sa siyam masuwerteng informant, naglalaro sa P350,000 hanggang P5.8 milyon ang natanggap nang mapapalad na claimants.

Ayon kay AFP chief Gen. Hernando Irriberi, malaki ang naging papel ng siyam impormante sa pagkakahuli sa dalawang lider ng NPA, tatlong Abu Sayyaf at apat mga kasamahan.

Kabilang sa mga nahuli si Esteban, lider ng NPA na wanted sa murder sa Abra, at ASG sub-leader Khair Mundos, natiklo sa Paranaque noong Hunyo 2014, habang napatay si ASG commander Long Malat Sulayman sa Basilan noong Abril 2012.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *