Friday , November 15 2024

Kemikal tumagas sa QC factory, alingasaw umabot sa Pasig

UMALINGASAW ang paligid ng Brgy. Bagumbayan sa Quezon City dahil sa pagtagas ng kemikal mula sa isang pabrika nitong Linggo ng hapon.

Nagmula ang alingasaw sa Chemrez Technologies, Inc. sa Calle Industria at umabot hanggang sa ilang lugar sa Pasig. 

Ayon kay Jill Osina, Corporate Pollution Control Officer ng Chemrez Technologies, Inc., “fumes” o asó ang nagdudulot ng masangsang na amoy.

Paliwanag ni Osina, “(Styrene) monomer is supposedly liquid na nag-solidify. Habang nagso-solidify, nagke-create ng heat and itong heat na ito, magke-create siya ng fume. Iyong fumes, nagbigay ng di magandang amoy sa paligid.”

Dagdag niya, ngayon lamang naganap ang pag-alingasaw sa pabrika.

Kasalukuyan na aniyang pinaandar ang lahat ng control systems upang tuluyan nang maglaho ang amoy.

Ayon sa Bureau of Fire Protection at Disaster Risk Reduction and Management Office ng Quezon City, hindi napanatili nang maayos ang temperatura ng kemikal kaya ito nagbuga ng asó. 

Gayonman, wala anilang peligrong sumabog ang kemikal at hindi rin ito makasasama sa kalusugan. 

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *