Friday , November 15 2024

Duty PNP personnel nasiyahan sa APEC Summit (Hindi gaya noong Pope’s visit )

00 Bulabugin jerry yap jsyMAGANDA ang feedback ng ating pulisya na nag-duty nitong nakaraang APEC Summit.

Hindi gaya noong bumisita si Pope Francis nitong nakaraang Enero, maraming pulis ang umangal dahil nagutom na sila, nakatkong pa ang allowances nila.

Hindi rin sila nakatulog nang maayos dahil walang itinakdang quarters o tulugan para sa kanila.

Pero nitong nakaraang APEC, parang sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng malaking respeto ang mga pulis dahil napakaganda ng trato sa kanila.

May inilaang pagkain para sa kanila — take note, catering services pa.

Maayos ang tulugan at mayroong mga portalet para sa kanilang personal na pangangailangan. Nakaliligo rin sila kaya naman kapag naka-duty na makikita silang fresh na fresh at hindi mukhang maangos at mukhang dugyot.

Mukhang iba talaga ang liderato ni PNP chief, Dir. Gen. Ricardo Marquez.

Sistematiko at may malasakit sa kanyang malilit na pulis.

Muli, binabati natin ang ating mga pulis sa matagumpay na se-guridad sa nakaraang APEC meeting.

Kudos PNP DG Ric Marquez!

Fun run/marathon dapat koordinado ang paggamit ng kalsada

HINDI naman tayo tutol sa mga fun run o marathon na inilulunsad dito sa Metro Manila.

Natutuwa nga tayo riyan dahil maraming mga kabataan ang naaagaw ng mga ganyang aktibidad sa masamang bisyo.

Hindi lang tayo komporme sa hindi maayos at hindi koordinadong pagsasara ng mga kalsada.

‘Yung iba naman, kapag sinabing 10k run, talagang magsasara sila ng 10-kilometer road.

‘E sa totoo lang, pwede namang paikot-ikot lang ‘yan dahil ang bibilangin ay ‘yung takbo nila hindi naman ‘yung kalsada.

Hindi ba’t napakalaking perhuwisyo sa mga motorista at commuters kapag isinasara ang mga kalsada nang walang kaabog-abog?!

Kaya imbes tangkilikin ang mga fun run at marathon, ‘e marami tuloy ang nakapagsasalita ng ‘bwisit’ kapag nakikita sila.

Kaya pakiusap lang sa mga organizer ng iba’t ibang fun run at marathon, huwag ninyong gamitin ang mga importanteng kalye!

Kung sa tingin ninyo ay malusog ‘yan sa pangangatawan ng mga lalahok, isipin n’yo rin na hindi kayo dapat maging sanhi ng stress ng mga commuter at mga motorista.

Pwede ba fun runners?

‘Pulis-bangketa’ ng Tondo!

FYI MPD director Gen. Rolly Nana, sikat na sikat ngayon ang isang PULIS-TONDO na sinasabing malupit manghuli ng ilegal na droga sa nasasakupan ng MPD-UNO.

Ayos na sana kung talagang mahusay nga manghuli ng ‘tulak’ ang isang pulis na alias ONE-SHOT ‘e ang kaso lakad-bangketa lang pala ang nangyayari.

Masyado raw kasing matalim ang pang-amoy nitong si Tata one-shot kaya kapadong-kapado niya ang mga source sa AOR ng MPD PS-1.

Ang ipinagtataka lang ng mga residente sa naturang lugar, bakit hindi niya nahuhuli ang mga notoryus na tulak gaya nina alias BARABAS at PABRON ‘e mukhang kapitbahay n’ya lang ‘yang mga salot na ‘yan!?

Ito pa ang issue, isang tatay ang humingi ng tulong para ipadampot at maturuan ng leksiyon ang isang pasaway niyang anak pero kinikikilan pa ang kumander niya para raw hindi na ma-inquest (kahit na-inquest na pala) ang anak n’ya.

Sonabagan!!!

Mabuti na lang at hindi kinokonsinti ni Kapitan Gilbert Cruz ang ganitong masamang gawain ng isang tulis ‘este’ pulis kaya’t agad na ipinatawag ang pulis at ipinasoli ang pera sa pobreng magulang ng bata.

Gen. Rolly Nana, paki-verify mo nga kung ito rin ang pulis na inireklamo ng arbitrary detention kamakailan diyan sa MPD-GAIS!?

Kailan mo ba tuturuan ng leksiyon ang ganitong klaseng pulis sa iyong departamento, Gen. Nana!?

VK ni Berting untouchable sa Maynila (Pakibasa Gen. rolly Nana!)

BOSS Jerry, info lang ho. Medyo nasugatan ang ERAP VK ni BERTING nang BULABUGIN ninyo pati ang mga tongpats nilang pulis sa MPD. Bitaw daw muna sila pero untouchable pa rin. Tuloy ang ligaya sa dami ng makinang nakalatag. Timbrado n raw cla sa Bicutan at Crame na rin. Tago n’yo ho numero ko. +63916226 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *