Diretsong tinanong namin si Powkie kung pwede pa siyang magbuntis. Aniya, puwede pa raw siyang magka-baby. Kailangan lang daw ingatan dahil sa edad niya. ”Pwede pa hanggang 5 years,” sagot nito sa amin.
Excited ang comedienne na ma-meet na ang parents ng boyfriend niya. ”Siyempre excited kahit hindi ko pa nami-meet ang parents ni Lee. ‘Yun ang nakae-excite, first time naming magmi-meet. First time akong magkaka-biyenan. Tinatanong ko na siya kung ano ang paboritong pagkain ng parents niya at anong lugar ang gusto nilang puntahan?”
Ikinuwento ni Pokwang na proud siyang ikinukuwento sa parents ni Lee.”Nagdarasal sila na sana maging masaya kami ng anak nila. Naririnig ko ang usapan nila dahil naka-loud speaker noong nag-uusap sila. Mukha namang mabait ang magulang ni Lee. Grabe silang magmahalan kasi nag-iisa lang siyang anak kaya ganoon sila ka- close ng family,” pahayag ng magaling na comedianne.
Para kay Pokwang, wala siyang dream wedding. Ang importante raw ‘yung tunay ang pagmamahal ni Lee sa kanya at handa itong pakasalan siya kahit saan mang simbahan. ”Walang dream-dream wedding na… Sabi ko nga, kahit sa karinderia lang basta masaya kami, okay sa akin basta natupad ang pangarap ko ‘yun,” turan pa niya.
ANIK-ANIK – Eddie Littlefield