Monday , December 23 2024

Lim ibabalik boto mahigpit na babantayan – BOFWO

NAGPAHAYAG ng suporta ang mga miyembro ng Bangsamoro Overseas Filipino Workers’ Organization (BOFWO) sa Maynila gayon din ang kanilang mga pamilya para sa kandidatura ng nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim, kasabay ng paniniyak na kanilang babantayan nang husto ang kanilang mga boto.

Sa ginanap na fifth anniversary ng nasabing organisasyon sa Baseco Evacuation Center sa Baseco, sinabi ng grupo, sa pamamagitan ng kanilang special consultant at adviser na si Bae Bayolan Tamano Marohombsar, hindi na sila muling papayag na “‘manakaw’ ka (Mayor Lim) pang muli sa amin,” at inihayag na higit silang magiging mapagbantay sa darating na 2016 elections.

Sa nasabing okasyon ng BOFWO, kasama ni Lim na dumalo ang kanyang kandidato para bise alkalde na si first district Congressman Atong Asilo, fifth district Congressional candidate at kasalukuyang konsehal Josie Siscar at mga kandidato para konsehal na sina Jaime ‘Jim’ Adriano, Mark ‘Big Mac’ Andaya, Jograd dela Torre, Abner Afuang  at Jaime Co (fifth district); Mar Reyes at RJ Yuseco (3rd district); Bimbo Quintos (4th district) at Raffy Jimenez (first district).

Kanyang pinasalamatan ang Muslim community para sa kanilang patuloy na pagsuporta at pangangako na magiging mapagmatyag sa halalan sa susunod na taon.

Nagbigay naman ng paniniyak sa kanyang talumpati na ibabalik niya ang lahat ng pangunahing serbisyong libre sa lungsod na nawala sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, lalo na ang mga libreng serbisyo sa lahat ng ospital na pinatatakbo ng lungsod.

Matatandaan na noong panahon ng panunungkulan ni Lim, ipinaayos niya ang Ospital ng Maynila na noon ay nag-iisang ospital sa lungsod at dinagdagan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng lima pa upang bawat distrito sa Maynila ay magkaroon ng tig-isang ospital na nagbibigay ng lahat ng uri ng libreng serbisyo medikal mula sa consultation hanggang sa medical procedures, kuwarto at mga gamot.

Kabilang sa nasabing mga ospital ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc at Sta. Ana Hospital.

Umani ng palakpakan at hiyawan ang sinabi ni Lim na ibabalik ang libreng serbisyo medikal sa lungsod, at pinasalamatan ng mga dumalo para sa pagtatayo niya ng Baseco evacuation center na anila ay malaking tulong sa kanila lalo na tuwing may kalamidad.

Matapos ang kanyang talumpati, nagbigay si Lim ng apat na wheelchair sa mga nangangailangan sa Baseco na kinabibilangan ng isang bata na ipinanganak na maysakit at isang biktima ng stroke.

Makaraan, humingi ng paumanhin si Lim na kailangan nang umalis dahil magdadala pa ng dosenang wheelchair sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Mahigit dalawang dekada nang ginagawa ni Lim ang paggugol ng kanyang weekend at piyesta opisyal sa pagde-deliver ng libreng wheelchair sa mga nangangailangan subalit walang pambili nito.  

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *