Friday , November 15 2024

Duterte tuloy sa 2016

TULOY na sa kanyang presidential bid si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa kanyang mensahe sa isang birthday party, nabanggit niya na handa na siyang kumandidato bilang pangulo ng bansa.

“My candidacy for the presidency is now on the table,” wika ni Duterte.

Nabatid na umabot sa 30 minuto ang talumpati ng alkalde.

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ang “tanim-bala” issue sa NAIA ang dahilan niya para sa kandidatura kundi ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na payagan si Sen. Grace Poe na humawak ng posisyon sa national office kahit  kinukwestiyon sa citizenship.

“She will be presumptive president whose citizenship is based on presumption. The highest position is reserved for a true-blue Filipino. I cannot accept an American president,” dagdag ni Duterte.

Gayonman, hindi pa maisusumite ni Duterte sa Comelec ang kanyang certificate of candidacy (CoC) dahil sa ilang isyung kailangan niyang resolbahin.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *