Friday , November 15 2024

Brgy. Chairman, 2 pa sinibak ng Ombudsman

CAGAYAN DE ORO CITY – Iniutos ng Office of the Ombudsman kay City Mayor Oscar Moreno na ipatupad ang ‘dismissal order’ laban sa barangay kapitan at dalawa pang trabahante sa Brgy. Macasandig, Cagayan de Oro City.

Ito ay makaraang makitaan ng probable cause ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales upang masibak mula sa kanilang trabaho si Macasandig Barangay Chairan Ernesto Edrote dahil sa graft charges.

Bukod kay Edrote, tanggal na rin sa kanilang trabaho sina Barangay Treasurer Maria Fe Campanilla at Barangay Executive Secretary Rey Ranes Balandara.

Si Moreno na una nang pinatawan ni Morales ng dismissal order ukol sa kasong administratibo, ay inutusang madaliin ang pagpapatupad ng kautusan laban sa respondents.

Nag-ugat ang dismissal order sa kasong isinampa ni dating Macasandig Barangay Kapitan Aaron Neri na nag-aakusang ginamit ng mga akusado ang pondo ng barangay sa construction materials na pagmamay-ari ni Balandara.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *