Friday , November 15 2024

11 sugatan sa 3 grenade blast sa S. Kudarat

KORONADAL CITY- Umaabot sa 11 ang sugatan makaraang sumabog ang dalawa sa tatlong granadang inihagis dakong 8:20 p.m. kamakalawa malapit sa provincial kapitol ng Sultan Kudarat habang nagdaraos ng concert kasabay ng selebrasyon ng Kalimudan Festival.

Kinilala ang mga sugatan na sina Abix Mamansuan Sandigan, 33; Regine Simsim, 40; Darius John Padilla, 6; Jasper Linda, 11, Baltazar Linda, 49; Cenilia Linda, 45; Sahid Salindab, 27; Ann janeth Latip Salindab, 21; Michael John Cinco, 20; Lilibeth Perolino, 45; Almasir Ibrahim, 22, kritikal ang kalagayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pasado 8 p.m. nang sumabog ang dalawang granada malapit sa pump machine ng isang gasolinahan malapit sa kapitolyo.

Napag-alaman, nakita sa likod ng naka-file na soundbox na gagamitin para sa concert, ang isa pang hindi sumabog na granada, detonated dakong 6:44 a.m. kahapon.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng ang target ng pagsabog ay si Rep. Raden Sakaluran, 1st district, Sultan Kudarat, dahil 20 metro lamang ang layo ng kanyang kinauupuan sa lugar ng pagsabog.

Posible rin anilang pananabotahe ang motibo sa pagsabog dahil sa selebrasyon ng Kalimudan Festival kahapon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *