Monday , December 23 2024

1 patay, 8 sugatan sa sagupaan sa Maguindanao

COTABATO CITY – Maraming mga sibilyan ang nagsilikas nang sumiklab ang sagupaan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at militar sa probinsiya ng Maguindanao kamakalawa.

Ayon sa ulat ng pulisya, hinarang ng MNLF sa pamumuno ni Kumander Kamlon, ang proyekto ng isang private company sa Brgy. Bungabong, Sultan Mastura, Maguindanao.

Agad nagresponde ang mga sundalo para magbigay ng seguridad ngunit pinaputukan sila ng MNLF.

Tumagal nang halos pitong oras ang enkwentro ng MNLF at mga tauhan ng 37th Infantry Battalion Philippine Army kaya lumikas ang maraming sibilyan.

Humupa ang putukan nang dumating ang mga lokal na opisyal, pulisya at mga opisyal ng MNLF.

Tatlo ang napaulat na nasugatan sa mga sundalo habang isa ang namatay, at lima ang nasugatan sa MNLF.

Nilinaw ni Komander Kamlon, pinasok ng mga sundalo ang kanilang kampo kaya napilitan silang magpaputok at lumaban.

Nagpapatuloy ang negosasyon ng mga opisyal sa probinsya ng Maguindanao para maresolba ang naturang gusot.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *