Saturday , December 28 2024

Sa hinaba-haba ng ‘prusisyon’ sa bidding-bidingan din tumuloy? (Sa isyu ng NAIA CCTV)

NAIA cctvKASUNOD ng sunod-sunod na insidente ng tanim-bala, itutuloy na raw ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pla-nong pagbili ng P486-milyong closed-circuit television (CCTV) system.

Magugunitang dalawang beses na isinalang sa bidding ang nasabing proyekto pero sa hindi malamang dahilan, walang nagtagumpay sa dalawang bidding dahil ang naging desisyon ay negotiated procurement na lang daw.

Ilang opisyal na ba ang nag-resign dahil diyan sa milyones na CCTV project na ‘yan?

Pero mukhang inaangalan ito ng ilang kompanyang lumahok sa bidding.

Anila, nagtataka sila kung bakit walang napili ang MIAA bids and awards committee sa mga kompanyang lumahok sa bidding gayong lahat naman sila ay sumunod umano sa itinatakdang mga panuntunan alinsunod sa batas.

At ngayong pumutok nga ang tanim-bala, parang biglang nagkaroon ng rason ang MIAA na pumasok sa negotiated procurement?

Sabi nga ng mga lumahok sa bidding, ano ang  proteksiyon  ng  sambayanan  sa  negotiated procurement na ‘yan?!

Ang sabi pa, mukhang nagtagumpay daw ang sinasabing Kamaganak Inc., na masambot ang proyektong P486-milyong closed-circuit television (CCTV) system?!

 By the way, ang huling balita ay nagsampa ng kasong graft sa Ombudsman laban sa ilang Airport officials and consultants ang isang Atty. Enrico Quiambao, abogado para sa Annex Digital Inc. and Geutebruck Pty. Ltd. joint venture, dahil sa negotiated procurement na ‘yan.

At ito ang matinding statement niya, “All these tanim-bala incidents would not have happened had the CCTV system been installed long time ago. But the project had been slowed down by attempts to rig the bidding.”

You can smell something fishy here?

Ano sa palagay ninyo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *