LASANG Filipino na may kakaibang presentasyon ang ipinakain sa world leaders sa isinagawang welcome reception kamakalawa sa APEC economic leaders.
Ibinida ng Filipino restaurant owners na si Glenda Barretto at Gaita Flores ang kanilang inihandang pagkain gaya ng mga pagkaing Filipino na Adobo, Tinola, kesong puti, itlog na maalat.
Inihalimbawa rito ang isang maja blanca na may kakaibang presentasyon na mas angat at makabagong paraan na nilagyan ng niyog at lambanog poached mango.
Umabot sa 700 bisita ang nakatikim ng nasabing kakaibang mga pagkaing inihain.