Friday , November 15 2024

Mag-asawa sa Koronadal todas sa tiyuhin

KORONADAL CITY – Patay ang mag-asawa habang dalawa ang sugatan sa pamamaril sa Lungsod ng Koronadal kamaka-lawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang napatay na sina Belen Consumo, 33, at Romy Consumo, 36; habang ang mga sugatan ay sina Jerly Consumo at Joselito Consumo, mga anak ng suspek na si Jose Consumo, 46, pawang mga residente sa Purok Mariveles, Brgy. Paraiso nitong lungsod.

Sa panayam sa sugatang si Jerly, pinsan ng mga napatay, pasado 9pm nang lumabas sa kanilang bahay si Romy na nakainom ng tuba (alak mula sa niyog).

Ayon kay Jerly, nagkaroon nang matinding pagtatalo sina Romy at si Jose dahil nailawan ang biktima ng flashlight.

Tinangkang awatin ng iba pang mga kaanak ang dalawa, ngunit binunot ni Jose ang kanyang caliber .38 at binaril ang mag-asawa na kapwa tinamaan sa dibdib.

Agad binawian ng buhay si Belen habang isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital si Romy ngunit idineklarang dead on arrival.

Mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang krimen.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Koronadal City PNP sa insidente at inaalam kung may malalim na galit sa pagitan ng mga biktima at suspek.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *