Friday , November 15 2024

China at Russia vs Obama sa APEC CEO Summit

1120 FRONTNAGSIMULA nang magkampihan ang China at Russia laban sa Amerika.

Ito’y may kaugnayan sa mga nilulutong kasunduang pangkalakalan sa Asia-Pacific region.

Sa APEC CEO Summit, pinasaringan nina Chinese President Xi Jinping at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev ang Trans-Pacific Partnership (TPP) na isinusulong ng Amerika at 11 pang bansa sa Pasipiko.

Ayon kay Xi, posible itong magresulta sa hindi pagkakaintindihan sa regional at global trade rules. Magdudulot lang aniya ito nang pagkakawatak-watak.

Ang dapat isulong, ayon kay Xi, ay  Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP) na kanyang panukala noong APEC Summit sa China, na kabilang ang lahat na APEC members.

Ang China ay hindi kasali sa TPP dahil sa sinasabing kabiguan na makaabot sa standard ng kailangang proteksyon sa intellectual property.

Habang sinabi ni Medvedev na ang patakaran sa kalakalan ay dapat sang-ayon sa global rule at hindi sa regional groupings lang.

Ang usapin ng TPP ay isa sa mga isyu na nagpapaligsahan ang Amerika at China na siyang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo, para magkaroon ng impluwensiya sa Asia-Pacific region.

International Cooperation vs terorismo paiigtingin

MAS pinaigting at kagyat na kooperasyon ng mga bansa sa buong mundo kontra-terorismo ang panawagan ng 21 world leaders na bumubuo ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

Sa nilagdaan na APEC Economic Leaders’ Declaration kahapon sa Philippine International Convention Center (PICC), nagkakaisa nilang kinondena ang lahat ng uri ng terorismo.

“Under the shadow cast by the terrorist attack against the Russian aircraft over Sinai, and the attacks in Paris, Beirut, and elsewhere, we strongly condemn all acts, methods, and practices of terrorism in all their forms and manifestations,” ayon sa manifesto.

Naniniwala ang 21 world leaders na ang pag-unlad ng ekonomiya at oportunidad ang pinakamabisang armas na tutugon sa ugat ng terorismo at radikalisasyon.

Hinimok din nila ang ibang mga bansa na ganap na ipatupad ang APEC Consolidated Counter-Terrorism and Secure Trade Strategy at ibahagi ang mga pamamaraan sa pagtiyak sa kaligtasan ng “infrastructure, travel, supply chains, and financial systems” sa pag-atake ng mga terorista.

Kaugnay nito, muling pinagtibay ng APEC leaders ang komitment kontra-korupsiyon at pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno.

Isinusulong din nila ang international cooperation sa repatriation at extradition ng mga tiwaling opisyal, asset recovery, criminalization at prevention of corruption sa APEC-member economies.

Rose Novenario

Russia sa PH: Magkaroon tayo ng defense coop

IPINAABOT ni Russian Prime Minister Demitri Medvedev sa bilateral meeting nila ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang hangarin ng Russia na magkaroon ng military at defense cooperation sa Filipinas.

Sinabi ni Medvedev, handa ang Russia na sanayin ang mga estudyanteng Filipino.

Ayon kay Medvedev, nais din nilang paigtingin ang bilateral at diplomatic ties ng Russia at Filipinas lalo sa business at entrepreneurial fronts. 

Nabanggit din ng Russian Prime Minister na nagustuhan niya ang magandang panahon sa Filipinas.

Panawagan ni Chinese Pres. Xi: Tensiyon resolbahin sa dialogue

KATULAD nang inaasahan, tahimik si Chinese President Xi Jinping sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Habang taliwas ito sa ginawa ni US President Barack Obama na nanawagan sa Beijing na itigil ang reclamation sa disputed islands.

Ngunit sa kanyang pagharap sa APEC CEO Summit, sinabi ni Xi na dapat resolbahin ng mga miyembro ng organisasyon ang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng dialogo at kooperasyon.

Sa gitna ito ng tensiyon ng China, Filipinas at Amerika dahil sa West Philippine Sea. Kamakailan nag-deploy ng mga barkong pandigma dito ang US para hamunin ang claim ng Asian power.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *