Thursday , December 26 2024

“Tanim–Laglag Bala” pakana ng mga artista . . .

Bato BalaniNAKAKAGULAT mga ‘igan, subalit ‘yan ang totoo! Pakana ng mga Artista, ‘este’ mga Artistahin, ang katarantaduhang “Tanim/Laglag–Bala Operation” na nagaganap d’yan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Mantakin n’yong praktisadong–praktisado ang mga damuho sa kanilang kagaguhang ginagawa, na napakalaking perwisyo sa tao at kahihiyan naman ang dala sa ating bansa! Sus ginoo…

Papaanong hindi mga Artistahin ang mga gung–gong na ito, aba’y ke–gagaling umarte! Artistang–artista ang dating! Ayon sa aking “Pipit”…Hindi ba’t lumitaw si “Mang Manuel” sa eksena, isang “Former Security Screener,” isa sa mga susing nagbunyag ng mga katiwaliang nagaganap? Hayun nga, ibinuking ng Mamang ito ang kawalanghiyaan ng mga dating kasamahan sa trabaho, ang tungkol sa isyung “Tanim/Laglag–Bala.”

Ang siste pala rito mga ‘igan, iniipit sa masasamang daliri ng kamay nila ang balang itatanim o’ ilalaglag! At hindi d’yan natatapos ang aktingan ng mga artistahing ito. Aba’y mamimili pa ng bibiktimahin…‘yung tipong “tanders” na ang gusto nilang perwisyuhin. Sabagay, kung bata–bata nga naman ang pupuntiryahin nila, sus todo–palag ‘yan at talagang ipaglalaban ang katotohanan laban sa kasinungalingan ng mga tiwaling “Security Screeners” na ito. At dagdag pa ng aking “Pipit”…pag–”foreigner” ang bibiktimahin, iwas dapat sa mga pumapalag, dapat ‘yung “Bow” lang ng “Bow” para wala ng satsat pa, tulad ng mga Japanese…”Haricato..Haricato!”

Ang matindi pa rito sa mga Artistahing ito, ay ang mga “Dialogue” na binibitawan nila, partikular umano ng mga Bidang–Aktor–”Security Screeners.” Super pipilitin kang aminin mong sa’yo ang balang itinanim/inilaglag ng kanilang masasamang daliri sa’yong bagahe! Siyempre, papalag si Biktima at itatanggi ang paratang may bala sa kanyang bagahe. Pero… papasok sa eksena si Supporting–Aktor

–Bossing Supervisor, aba’y “Super–emote” ito at sabay bulong ng…”Aregluhan” na lang ito at ng hindi na maabala pa! Hoy damuho ka! Deretsuhin mo na lang na okey na sa inyo ang lagay o’ suhol! Mga tarantado kayo!

Sa mga nabiktima pa ng mga tiwaling Artistahing–”Security Screeners” kasama ang kanilang mga Bossing, aba’y lumantad na rin po kayo! Nang mabunyag na ng todo–todo ang mga kawalanghiyaang nangyayari sa NAIA. At tuluyan na ring maparusahan, sampu ng mga Punong kasabwat ng mga ulupong na ito, ang lahat ng may kagagawan ng “modus”na ito. Kung hindi kayo kikilos at mananahimik na lamang, hindi po matutuldukan ang lahat ng katiwalian!   

APEC perhuwisyong totoo

BAGAMAT isang karangalan ang pagkakaganap sa bansa ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) – Economic Leaders’  Summit, tunay na malaking perhuwisyo naman sa taumbayan! Isa na rito ang pagsasara ng mga pangunahing kalsada, partikular ang mga kalsadang daraanan ng mga Lider ng Bansa at Delegado. Dahil dito igan, bagamat malayo pa ang “Mahal na Araw,” maagang nagpinetensya ang mga taong naipit sa trapik. He he he…Nag–alay Lakad, makarating lang sa paroroonan. ‘Yung iba, nalipasan ng gutom dahil sa usad–pagong ng mga sasakyan. Sus ginoo! Sumunod ‘igan, ang pansamantalang–pagsasara ng mga pinagtatrabahuhan ng mga pobreng mamamayan! Siyempre, walang kita, partikular ang mga ordinaryong namamasukan na arawan ang sweldo…kung kaya’t marami ang nagutom! Hu hu hu…Kalungkutan naman ang dala nito para sa mga tulisan ng Lipunan. He he he… “Day Off” kasi nila Holdaper at Snatcher, dahil nagkalat ang Kapulisan saan man nila ibig umarangkada! Pahinga muna…He he he…  

Tunay na kalbaryo sa mga Pasahero, Negosyante at sa mga Manggagawa ang TRAPEK ‘este’ APEC. Subalit, bakit nga ba nagkaganito? Perwisyong totoo! Bagamat inisip at plinano ng mabuti, upang maging matagumpay ang pangalawang beses na pagho–”Host” ng P’nas ng APEC Summit, inisip at plinano rin ba ang epekto nito sa taumbayan? Tama bang sa Metro Manila ito ganapin, o’ sa Subic na s’yang pinagdausan noon ng APEC na wala masyadong nilikhang perwisyo sa Tao? Pagkatapos ng Economic Leaders’ Summit ay ano na? Abangan na lamang natin mga ‘igan ang susunod na Kabanata, ika nga…sa Tamang Panahon . . . Nawa’y ang tunay na layunin ng APEC Summit na ito ay makamtan o’ makamit natin. Tungo sa isang mapayapa at papaunlad pang Pilipinas! Konting tiis na lang mga ‘igan, matatapos na rin ang APEC Summit, kasabay ang katapusan ng ating Kalbaryo.  

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *