Sunday , December 22 2024

PH agri naiwan, APEC non-binding — Briones (Gastos higit sa P10-B na)

HINDI lamang P10 bilyon ang gastos ng bansa para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leaders’ meeting, ayon kay dating national treasurer at propesor Leonor Briones.

Sinabi ni Briones, higit pa sa taya ng paggasta ang aktuwal na ginugol para sa APEC.

Aniya, bukod sa mga ginastos para sa paghahanda para sa APEC, posible aniyang humingi ng tax rebate ang mga airline company na nagkansela ng kanilang mga biyahe upang bigyang-daan ang pagpupulong.

Hindi rin aniya kabilang sa taya ang kaltas sa sahod ng mga namamasukang nahuli sa trabaho o kaya’y hindi na nakapasok dahil sa pagsasara ng daan.

Samantala, hindi ipinagkaila ni Briones na may naitulong ang APEC sa bansa. 

Aniya, sa pamamagitan ng APEC, umusbong ang kalakalan at mga serbisyo sa bansa.

Nadagdagan din aniya ang mga milyonaryo sa bansa.

Malaki aniya ang pakinabang ng mga mang-aangkat, may-ari ng shopping malls, at mga nagpapatakbo ng casino.

Ngunit, naiiwan aniya ang sektor ng agrikultura.

“Iyong agrikultura kung saan tayo nanggagaling, maraming Filipino ang nandoon, iyon talaga ang naiiwan.”

Gayonman, wala aniyang magagawa ang APEC para rito. “It has nothing to do with APEC; it has everything to do with policies dito.”

Nilinaw ni Briones na hindi ‘binding’ ang mga napagkasunduan sa APEC.

Nakadepende aniya sa economic leaders kung papayag sila sa mga kondisyong pag-uusapan.

Pagbalik aniya ng mga lider sa kani-kanilang bansa, muling nakadepende sa Kongreso ang pagpayag sa mga kasunduan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *