Friday , November 15 2024

Dalagita kinalikot ng amain

LUMULUHANG dumulog sa tanggapan ng pulisya ang isang 17-anyos dalagita kasama ang kanyang ina upang ipaaresto ang manyakis na amain makaraang kalikotin ang ari ng biktima habang natutulog kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Sa follow-up operation ng pulisya, agad nasakote ang suspek na kinilalang si Valiente Sanchez, 42, mangingisda, ng 177 Governor Pascual St., Pitong Gatang, Brgy. Sipac-Almacen ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to R.A. 7610 (Child Abuse), nakapiit na sa detention cell ng Navotas City Police.

Batay sa ulat ni SPO2 Arlene Alverio, ng Women and Children Protection Desk (WCDP), dakong 11 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Salaysay ng biktimang itinago sa pangalang May, maaga siyang nakatulog nang biglang magising nang maramdamang may kumakalikot sa kanyang ari.

Pagdilat ng kanyang mata, kitang-kita niya na sarap na sarap sa ginagawa ang amain na kinakasama ng kanyang inang itinago sa pangalang Mila.

Dahil dito, mabilis na bumangon ang dalagita at humingi ng tulong ngunit mabilis na tumakas ang suspek ngunit nadakip sa follow-up operation ng mga awtoridad.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *