Canada’s PM Trudeau, Mexico’s President Nieto APEC ‘Hottie’
Hataw News Team
November 19, 2015
News
KINILIG ang ilang kababaihan sa pagdating sa Filipinas ni Canadian Prime Min-ister Justin Pierre Trudeau para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa bansa.
Agad nag-trending ang hashtag na “APEC hottie” para sa Canadian PM.
Maging ang ilang kilalang personalidad sa Filipinas ay hindi mapigilan ang huma-nga sa batang prime minister.
Kahit sa APEC International Media Center, tilian ang ilang kababaihang mamamahayag na nagko-cover ng APEC meeting nang lumabas na sa eroplano si Trudeau.
Bago mag-6 p.m. kamakalawa, lumapag ang eroplano ni Trudeau sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA).
Si Trudeau ay dalawang linggo pa lamang nanunungkulan bilang prime minister ng Canada nang talunin sa halalan si dating Prime Minister Stephen Harper.
Si Trudeau, 43, ang ikalawang pinakabatang prime minister ng Canada.
Siya ay anak ni dating Prime Minister Pierre Trudeau.
Dating titser si Trudeau at may master’s degree sa Environmental Geography.
Naging part-time actor din siya nang bumida sa TV series na “The Great War.”
Naging media personality si Trudeau bunsod na rin ng ‘looks’ niya at sinasabing isa ito sa naging dahilan kung bakit siya nanalo sa halalan.
Siya ay kasal sa childhood sweetheart niyang si Sophie Gregoire at may tatlo silang anak.
Si Trudeau ang tanging world leader ng modernong panahon na mayroong tattoo.
Sa kanyang kaliwang kamay ay naka-tattoo ang Earth sa loob ng Haida raven bilang tribute sa Haida tribe na honorary member ang pamilya Trudeau.
Samantala, ayon sa netizens ang “APEC hottie” ay tumutukoy rin sa Mexican president na si Enrique Peña Nieto.
Napansin ang kisig niya at nakuhaan pa ng larawan sa pagkindat sa ilang sumalubong sa kanya sa NAIA. (ROSE NOVENARIO)