Friday , November 15 2024

4 NAIA cops sinibak sa tanim-bala

SINIBAK na sa kanilang puwesto ang apat pulis mula sa National Capital Region (NCR) unit ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) bunsod nang sinasabing pangongotong kay American missionary Lane Michael White.

Ayon kay PNP AVSEGROUP spokesperson, Chief Insp. Vicente Castor, ang mga sinibak sa puwesto habang iniimbestigahan ay sina SPO1 Rolando Clarin, SPO2 Romy Navarro, Chief Insp. Adriano Junio, at Chief Insp. Eugene Juaneza, ang lider ng  investigation unit.

Ang lider ng PNP AVSEGROUP NCR unit, na si Sr. Supt. Ricardo Layug Jr., ay una nang sinibak sa puwesto bunsod ng ‘tanim-bala’ controversy sa NAIA.

Sa kanyang salaysay sa National Bureau of Investigation (NBI), kinilala ni White sina Clarin, Navarro at Junio na ang tatlong pulis na humingi sa kanya ng P30,000 kapalit nang hindi paghahain ng kasong illegal possession of ammunition.

Si White, 20-anyos, ay patungo sana sa Coron, Palawan kasama ang kanyang ama at stepmother, noong Setyembre 17 ngunit pinigil nang may makitang bala sa kanyang bagahe.

Itinanggi ni White na siya ang may-ari ng .22-caliber bullet na sinasabing natagpuan ng airport security screeners sa kanyang bagahe, at sinabing hindi niya batid kung paano ito napunta sa kanyang bag.

“Ito po ay command decision na ilipat muna temporarily sa headquarters in support na rin po sa ongoing investigation being conducted by NBI to determine the truth behind this,” pahayag ni Castor.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *