Friday , November 15 2024

Turismo lilikha ng trabaho — Lapid

NANINIWALA si Senatorial candidate Mark Lapid  na lilikha ng maraming trabaho at tutugon sa unemployment problem ng bansa ang turismo sa pamamamgitan ng livelihood programs.

Ayon kay Lapid, ang pagbibigay ng pansin sa turismo sa bansa ay higit na makapagbibigay ng oportunidad para makalikha at makapagbago sa buhay nang mahigit sampung milyong mamamayan na itinuturing ang kanilang sarili na pawang walang trabaho.

“Indikasyon ito na bagaman marami nang nagawa ang administrasyon, marami pa rin dapat gawin lalo na sa usapin ng trabaho para sa ating mga kababayan. Sa turismo may trabaho,” ani Lapid.

Magugunitang sa pinakahuling SWS survey, lumalabas na tumataas pa rin ang bilang ng mamamayang Filipino na walang trabaho.

Si Lapid ay naghain ng kanyang Certifiicate of Candidacy at tatakbo sa ilalim ng adminitrasyon sa Daang Matuwid Coalition sa pangunguna ng tambalang Roxas-Robredo.

Tiniyak ni Lapid na sa sandaling mahalal siya na senador ay agad siyang babalangkas ng mga batas na nakatuon lamang sa pagpapaunald ng turismo sa bansa gayon din ang iba pang social services upang higit na umunlad ang Filipino para sa isang mayabong na kompetisyon. 

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *