KASONG kriminal, unjust vexation, direct assault at simple obedience ang isasampa ng DZRH reporter laban sa pulis-Marikina na nanakal, nanggulpi at pomosas sa kanya nang tangkain niyang basahin ang police blotter ng Marikina City PNP.
Kinilala ang pulis na sinibak na si SPO2 Manuel Laison, nahaharap sa patong-patong na kaso makaraang sakalin, gulpihin at posasan si Edmar Estabillo, DZRH reporter at president ng Eastern Rizal United Media Proctitioner (ERUMP).
Habang nagtirik ng mga kandila at nag-vigil sa harap ng Marikina City PNP ang mga reporter kamakalawa ng gabi para kondenahin ang ‘di makataong trato ng pulis kay Estabillo.
Anila, nawala na ang kautusan ni PNP Chief Ricardo Marquez na tamang bihis at tamang asal kabilang na ang respeto na dapat sana ay ginagawa ng mga pulis sa mga sibilyan.
Desmayado ang mga mamamahayag na imbes anila na sa EPD-district headquarters, bakit hindi pa sa Mindanao itinapon si Estabillo kasama ang ilang opisyal na nanood lang habang sinasakal at ginugulpi ang nasabing reporter.
Nauna rito, inatasan ng Marikina City Prosecutor’s Office ang Marikina PNP na palabasin sa pagkakapiit sa nasabing himpilan ang reporter.
Nag-ugat ang pananakal ni Laison kay Estabillo nang magpaalam ang reporter para tingnan ang police blotter upang makita kung anong uri ng kaso ang naitala sa magdamag sa lungsod.