NAKOPO ng Filipinas ang ika-walong ASEAN heritage park makaraang aprubahan ng mga environment minister mula sa 10-miyembrong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang nominasyon ng Mount Timpoong-Hibok-Hibok Natural Monument (MTHHNM) sa kanilang pagpupulong kamakailan sa Hanoi, Vietnam.
“Sa pagsapit ng MTHHNM sa pantheon ng mga natural treasure ng Southeast Asia, nais naming makakuha ng mas malawak at malalim na appreciation para sa environmental uniqueness ng nasabing natural park na matatagpuan sa island province ng Camiguin,” punto ni environment and natural resources secretary Ramon Paje.
Ang pagkakabilang ng Mt. Timpoong-Hibok-Hibok sa listahan ay nakompirma sa ika-13 ASEAN Mi-nisterial Meeting on the Environment, na dinaluhan ng mga ministro ng kapaligiran (environment mi-nisters) at ng kanilang mga kinatawan.
Ang mga ASEAN heritage park, o AHPs, ay mga protected area na kinilala dahil sa kanilang uniqueness, diversity at outstanding values.
Sa pagkakalista ng MTHHNM bilang AHP, ito ngayon ay bahagi ng regional network ng mga national protected area na may mataas na halaga ng konserbasyon dahil sa ma-yaman na ecosystem.
“Umaasa kaming dahil sa deklarasyon, natutunang ma-appreciate ng mga taga-Camigin at ng buong sambayanang Filipino at gayon din ang mga dumadalaw sa lalawigan, ang halaga nito para magsagawa ng mga hakbang para mapa-ngalagaan upang ma-ging kayamanan at kasiyahan ng susunod pang mga henerasyon,” pagtatapos ni Paje.
ni Tracy Cabrera