NAGING matagumpay ang nakaraang pakarera ng MARHO Platinum Championship Racing Festival sa karerahan ng Santa Ana Park, Naic, Cavite noong araw ng linggo, Nobyembre 8, 2015.
Dito nagpakita ng gilas ang dalawang mapublikong kabayo n sina Low Profile na pag-aari ni R.B. Dimacuha at ang Hagdang Bato na pag-aari naman ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos.
Si Low Profile ay nanalo sa 2015 Philracom Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup na para lang nagtranko at si Hagdang Bato ay nanalo sa mga kalaban niya na walang kahirap-hirap.
Inaasahan ng Bayang Karersita na maglalaban ang dalawang ito sa TAKDANG PANAHON.
oOo
Sa araw din iyon ay humataw ang 3rd “MPDPC Horseracing Cup na isponsor ng Philracom. Ang proceeds o kikitahin ng pakarera ay ilalaan at itutulong sa mga miyembro at opisyal.
Sa mga darating na proyekto ng MPDPC ay magagamit ang kinita ng pakarera.
Lubos na nagpapasalamat ang pangulo ng MPDPC na si Ginoong Francisco “Kiko” Nuguid sa walang sawang suporta na binibigay ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa Club.
MARAMING SALAMAT PO PHILRACOM!
oOo
ABANGAN PO natin Bayang Karerista ang mga malalaking pakarera ng Philracom sa buwang ito ng Nobyembre.
Hahataw sa buwan ito ang Grand Sprint Championship, 4th Leg “Juvenile Colts Stakes” at 4th Leg “Juvenile Fillies Stakes.”
oOo
Nakikiramay po tayo sa naiwang pamilya ni Ginoong Vicente B. Alvela na pumanaw sa maselang sakit sa San Diego California, USA .
Ang mga naulila ni Ginoong Alvela ay ang kanyang asawa na si Ginang Angelina S. Alvela at mga anak na sina Alfredo S. Alvela, Celina S. Alvela , Josephus S. Alvela at Ma. Teresa A. Santos.
oOo
Binabati ng DEADHEAT ng “Happy Racing” ang ating mga kaibigan natin na sina Engineer Florante Aguilan ng DOLE, Engineer Emerito Roberto at si Boss Arch Martin Matocinos.
MABUHAY PO KAYO!
DEAD HEAT – Freddie M. Mañalac