Friday , November 15 2024

Rape cases sa Tacloban lumobo (Makaraan ang Yolanda)

TACLOBAN CITY – Lagpas na sa 60 kaso ng child abuse at rape ang naitala sa siyudad ng Tacloban makaraan ang paghagupit ng Bagyong Yolanda.

Sa nasabing bilang, 31 ang kasong naitala ngayong taon mula Enero hanggang Setyembre at 33 noong nakaraang taon.

Hindi pa kasama rito ang undocumented cases.

Karamihan sa mga biktima ay nasa 10-anyos pababa na inaabuso ng mismong kapamilya.

Isa rito ang 16-anyos biktima na makaraan ang nasabing delubyo, pinilit daw siya ng kanyang nanay na manirahan sa tiyuhing pulis ngunit doon ay naranasan ng menor de edad ang pang-aabuso.

Sa ngayon, nasa ilalim na ng pangangalaga ng social welfare office ang bata habang patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang tiyuhin na na-dismiss na sa serbisyo.

Samantala, inamin ni SPO4 Marissa Monge, hepe ng Tacloban WCPD, posibleng marami pa ang kaso ng pang-aabuso at panghahalay ngunit hindi lang ito nai-report dahil sa eskandalong dulot nito at ang masaklap ay kalimitang suspek ang sariling ama o lolo.

Ang itinuturong rason ay dahil sa mabagal na pagbibigay ng permanent shelters sa Yolanda survivors at nagsasama-sama sa iisang bunkhouse ang aabot sa tatlo hanggang apat na pamilya.

Itinuturong rason dito ng gobyerno ang mahabang proseso ng pagsiguro ng permits para sa backlog sa housing.

Ayon kay Dr. Gloria Fabrigas, head ng Tacloban City Social Welfare and Development Office, tinutulungan nila ang rape victims na maghain ng kaso at nagbibigay sila ng psycho-social support.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *