Friday , November 15 2024

Vergara umalma vs political harassment

1109 FRONTKINONDENA ni Nueva Ecija congressional candidate Rosanna “Ria” Vergara ang mga batikos mula sa kampo ni Gov. Aurelio Umali na isang panggigipit sa politika, pinaratanganan din niyang ang likod ng kasong diskuwalipikasyon na isinampa ng isang Philip Piccio.

Sinabi ni Vergara, asawa ni Cabanatuan City Mayor Jay, si Piccio ay isang ‘attack dog’ ni Umali, na tumatakbo rin bilang kinatawan ng ikatlong distrito.

Si Umali ay nasa huling termino bilang gobernador.

Nagsampa si Piccio ng cancellation of certificate of candidacy laban kay Vergara, upang matiyak ang tagumpay ni Umali sa susunod na election May 2016.

Inakusahan ng congressional bet na ang motibo lamang ni Piccio ay isang ‘paghihiganti’ laban sa kanila dahil noong 2013, ipinagharap ng siyam na kaso ng libelo na hanggang ngayon ay nililitis.

Ang mga kasong libelo ay nag-ugat sa mga paratang ni Piccio na si Mayor Jay ay isang US immigrant nang siya’y maging Mayor ng Cabanatuan sa loob ng limang termino.

“I am fully confident that the law is on my side. I am a natural-born Filipino citizen. I have been a registered voter in the City of Cabanatuan since 1994, and as such, have been a resident thereof at least since that time. I am more than qualified and, more to the point, competent to run as and BE the Representative of the Third District of Nueva Ecija,” pahayag ng tumatakbong kongresista.

“This is nothing more than personal and political vendetta,” diin niya.

Ayon kay Vergara, lumabas ang naturang balita nang ihayag ang kanyang kandidatura, na agad nagsalita si Umali na magiging isang “walk in the park” upang matalo siya.

“No question or comment about my qualifications as a would-be candidate. Since I started going around and because I have gained a strong following , my opponent has now resorted to filing this frivolous case and Mr Piccio, who happens to be his lackey, is the appointed political assassin,” giit niya.

Sinabi ni Vergara, wala siyang itinatago at nakahandang harapin si Umali bilang kanyang katunggali.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *