Friday , November 15 2024

Tuso si Win Gatchalian?

EDITORIAL logoHINDI lang balimbing kundi tuso talaga si Valenzuela City Rep. Win Gatchalian.

Nang makita kasi niyang malakas at magagamit niya sa kanyang kandidatura ang tambalang Grace at Chiz, mabilis na gumawa ng paraan para makapasok sa senatorial slate ng dalawang kandidato.

Kabilang sa NPC, matatandaang unang sinuportahan ni Gatchalian si Vice President Jojo Binay at minsang nagparamdam na plano niyang sumapi sa bagong poltical party na itatatag ng bise presidente.

Kaya nga nakapagtatakang makita si Gatchalian na nakangisi pa at kabilang na rin sa partido ng tambalang Grace at Chiz.  Dito makikita ang ehemplo ng isang traditional politician (TRAPO) tulad ni Gatchalian.

Dahil sa kaliwa’t kanang kaso ang isinampa ng administrasyon ni PNoy sa pamilyang Binay, unti-unting humiwalay si Gatchalian sa grupo ng bise presidente. Ito ba ang klase ng politiko tulad ni Gat-chalian ang iboboto ninyo sa darating na eleksiyon?

Walang loyalty, segurista, balimbing at tuso?

Mabuti at sa maagang panahon, na-kilala kaagad ng publiko ang tunay na kulay ni Gatchalian.

Kung sabagay, walang dapat ikatakot ang taong bayan dahil hindi naman siya mananalo sa darating na halalan. 

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *