Friday , November 22 2024

Panahon na para kausapin muli ang Tsina (Unang Bahagi)

USAPING BAYAN LogoIMBES maging tagapamayapa o umiwas sa gulo, si Pangulong Benigno Simeon Aquino III ay umaakto na sulsol o parang isang teenager na nanghahamit ng away sa ginagawa niyang panghihikayat sa mga Amerikano na magpadala ng mga barkong padigma sa South China Sea (West Philippine Sea), isang bagay na nagla-lapit sa atin bayan sa isang rehiyonal na digmaan na kasasangkotan ng Tsina at United States.

Habang nalilibang tayo sa Aldab at gimik ng mga pulpol na politiko dahil sa papalapit na elek-siyon, hindi natin namamalayan na umiinit pala ang relasyon ng Tsina at United States at maa-ring pumutok anomang oras mula ngayon. Ang ugat ng krisis na ito ay isang man-made island sa Subi Reef, na bahagi ng Spratly’s island chain. Ang reef na ito ay tinambakan at tinayuan ng isang malaking paliparan ng mga Intsik at inangkin bilang bahagi ng kanilang teritoryo. Ang Subi Reef ay malapit sa mga isla na hawak ng ating bansa sa ngayon ngunit nasa labas ito ng teritoryo na inaangkin natin.

Ayon sa mga ulat, nitong nagdaan na Lunes ay ipinadala ng US Navy ang USS Lassen, isang destroyer, sa lugar malapit sa Subi Reef upang ipakita sa mga Intsik na hindi kinikilala ng Amerika na bahagi ng teritoryo ng Tsina ang nabanggit na reef. Ang kilos na ito ng US ay tinitingnan ng Tsina na isang paghamon sa kakayahan nila na ipagtanggol ang kanilang soberenya kaya mariin na nagbabala sila na hindi palalagpasin ang ginagawang ito ng mga Amerikano.

”The will of the Chinese troops for the protection of national security is unwavering. We will take all necessary measures to protect our own security,” ang sabi ng Tsina sa isang pahayag.

Pansinin na ang pag-angat ng ekonomiya ng Tsina ay may kaakibat na pagpapalakas sa kombensiyonal na puwersa militar nito. Huwag kalilimutan na tulad ng US, nuclear power din ang Tsina. Ito ay sa kadahilanan na ibig nilang bigyan-proteksiyon ang kanilang pang-ekonomiyang interes. Ayaw din nila na mauulit ang kahihiyan na dala ng panghihimasok ng mga dayuhan sa kanilang bansa tulad noon huling bahagi ng ika-19 na siglo hanggang sa unang limang dekada ng ika-20 siglo, kung kailan pinaghatian ng mga Hapones at puwersang kanluranin, kabilang na rito ang US, ang Beijing at mga bayan sa coastal areas ng Tsina tulad ng Hong Kong, Macau at Shanghai.

Ang kahihiyan na ito ang nagbunsod sa maraming pag-aaklas ng mga Tsino laban sa mga dayuhan. Ilan sa pag-aaklas na ito ay naging tanyag sa mundo bilang Una at Ikalawa na Boxer Rebellion, ang makabayan na rebolusyon ni Dr. Sun Yat Sen at ang himagsikang komunista ni Mao Zedong. Nabawi ng Tsina ang kanilang soberenya mula sa mga dayuhan noong 1949 nang magwagi si Chairman Mao sa kanilang digmaang sibil o civil war.

Ang kasaysayan na ito ang nasa sa isip ng mga eksperto nang kanilang suriin ang implikas-yon ng ginagawa ng US ngayon laban sa Tsina. Anila hindi malayo na magsagupa ang puwersang Intsik at Amerikano sa South China Sea. Kahiyaan ang magiging dahilan kung sakali kaya kikilos ang Tsina para ipagtanggol ang lugar na kanyang inaangkin.

(May kasunod sa Biyernes)

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About jsy publishing

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *