Saturday , January 11 2025

Obrero kritikal sa stepson

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang obrero makaraang pagsasaksakin ng anak ng kanyang kinakasama dahil inaalila sa kanilang bahay at sa pinapasukan nilang construction site sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Nova District Hospital ang biktimang si Lemuel Umugtong, 40, ng Phase 2, Block 2, Lot 22, Green Ville Subd. Brgy. 171, Bagumbong ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang pinaghahanap ang suspek na si Arnold Tumaka, 24, anak ng kinakasama ng biktima, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 11 p.m. lasing na kinompronta ng suspek ang biktima tungkol sa kanilang trabaho.

Sinasabing nagtanim ng galit ang suspek sa biktima dahil ginagawa siyang utusan sa mga gawain sa kanilang bahay hanggang sa pinapasukan nilang construction site.

Nagpaliwanag ang biktima na nais lamang niyang matuto ang suspek sa kanilang trabaho na nagresulta sa kanilang mainitang pagtatalo.

Sa puntong ito, bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima bago mabilis na tumakas.

About Hataw News Team

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *