Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagnakaw ng bigas kritikal sa taga ng may-ari

NAGA CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang lalaki makaraang tagain ng may-ari ng ninakawan niyang bodega ng bigas sa Brgy. San Vicente, Baao, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Agosto Pilitina, 33-anyos.

Napag-alaman, nagising ang may-ari ng bodega na si Dolores Badong nang makarinig ng kaluskos.

Agad ginising ng ginang ang kanyang dalawang anak na sina Alberto at Alex para tignan ang kanilang bodega at doon nahuli sa akto na nagnanakaw ng sako-sakong bigas si Pilitina.

Tinangkang tumakas ng suspek nang mahuli ngunit bago tuluyang nakalayo ay pinagtatag siya ni Alex.

Tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Pilitina na agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Habang nahaharap sa kasong serious physical injuries ang anak ni Dolores na si Alex dahil sa pananaga sa suspek.

Samantala, nananatiling nasa pagamutan ang suspek na nahaharap sa kasong robbery.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …