Sunday , December 22 2024

Ina patay, anak kritikal sa atake ng kasambahay

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang ina habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang bunsong anak makaraan silang pagsasaksakin ng suspek na pinaniniwalaang kanilang sariling katiwala sa bahay.

Naganap ang krimen dakong 9 a.m. kahapon sa bahay ng mga biktima sa Purok 3, Guinatan, Lungsod ng Ilagan.

Agad binawian ng buhay si Emily habang naisugod sa ospital ang 15-anyos anak na si Kane Bartolome ngunit nasa malubhang kalagayan.

Nabatid na nagkakatay at nagbebenta ng baboy ang mister ni Emily na si Orlando Bartolome na nabigyan agad ng pabatid tungkol sa nangyari sa kanyang mag-ina.

Apat ang anak ng mag-asawang Bartolome, ang dalawa ay nasa ibang bansa.

Ayon sa isa pang anak ng mag-asawa na si Kerwin, 23, nang dumating siya sa kanilang bahay mula sa baryo ay nakita niya ang nagkalat ng dugo sa kanilang bahay kaya’t siya ay nagsisigaw at humingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang malaman ang motibo ng suspek na hindi muna ibinunyag ang pangalan, sa nasabing krimen.

Sinasabing ang suspek lamang ang nakapapasok at naglilinis sa bahay ng mag-anak.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *