Friday , November 15 2024

Protesta ikakasa kontra insurance monopoly sa LTO

NAKATAKDANG hili-ngin ng Bukluran ng mga Manggagawa sa Industriya ng Seguro (BMIS) sa hukuman na ipatigil ang pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ng  Reformed CTPL (Compulsory Third Party Liability) Project.

Sa programang Lapid Fire sa DZRJ-Radyo Bandido (810 KhZ) kahapon ng umaga, sinabi ni Salvador “Buddy” Navidad, national president ng BMIS, na kapag natuloy ang nasabing proyekto ay magreresulta ito sa pagkawala ng trabaho ng libo-libong manggagawa sa industriya.

“Hihirit kami na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) sa korte para maisalba ang aming kabuhayan at maisalba sa tiyak na kagutuman ang aming mga pamilya,” aniya.

Naniniwala ang BMIS na magreresulta sa pagmomonopolyo ng isang malaking insurance company ang bagong proyekto ng LTO.

“We oppose any plan that will give the LTO the right to bid and select Single Insurance Company to issue CTPL. It is a monopoly. As a duly licensed agent, this move will deprive us and our families who depend on us our very source of livelihood,” ani Navidad.

“We think it is just a ploy to favor the interested personalities who want to make big profits at the expense of all other people involved in insurance,” sabi ni Navidad.

Ang proyekto aniya ng LTO ay paglabag sa kanilang karapatan na mabigyan ng seguridad ng estado ang kanilang kabuhayan nang alinsunod sa Saligang Batas.

Pabor naman aniya ang BMIS na maayos ang sistema ng pagseseguro sa bansa, pero dapat ituloy ang pagpapairal sa sinasabi ng batas na payagan ang mga kompanya na magbigay ng seguro sa mga sasakyan sa buong bansa at  hindi dapat ito pangasiwaan ng iisa lamang.

Nakatakdang maglunsad ng kilos-protesta ang BMIS sa harap ng tanggapan ng LTO main office sa Quezon City ngayon na lalahukan ng libo-libong kasapi at kanilang mga pamilya.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *