Sunday , December 22 2024

PH dapat managot sa ‘di maresolbang journalists killing — IFJ

1104 FRONTINIHAYAG ng Brussels-based International Federation of Journalists (IFJ), global organization na kumakatawan sa 300,000 journalist sa buong mundo, ang kanilang annual campaign, kasama ng iba pang freedom of expression networks, ay naglalayong panagutin ang pamahalaan at mga awtoridad sa impunity records ng krimen na ang mga journalist ang pinupuntirya.

“Murder is the highest form of these crimes but all attacks targeting journalists that remain unpunished must be denounced… There can be no press freedom where journalists work in fear,” pahayag ng IFJ.

Espisipikong nakatuon ang IFJ campaign  sa Filipinas, Mexico, Ukraine at Yemen bunsod nang tindi ng kalagayan ng mga mamamahayag sa nabanggit na mga bansa.

Ayon sa IFJ, sa global scale, isa lamang sa 10 kaso ng media deaths ang naiimbestigahan.

“Impunity not only endangers journalists, it [also] imperils democracy and the right for the public to know. It is more than time for bringing those who kill the messengers to justice and we must relentlessly hold governments accountable for this,” pahayag ni Jim Boumelha, presidente ng grupo.

Hinikayat niya ang IFJ affiliates na makisangkot sa kampanya “to show solidarity to those who struggle for telling the truth and their loved ones.”

Kamakailan nalagasan ang local journalism community ng miyembro sa pamamaslang ng hindi nakilalang mga salarin.

Si Jose Bernardo, reporter at broadcaster ng dwBL radio station, at reporter din ng dwIZ radio, ay ilang beses na binaril ng isa sa dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa labas ng isang fastfood sa Quezon City nitong Sabado. Siya ay nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan, ayon sa pulisya.

Walang naarestong suspek sa nasabing pag-atake, na ikinasugat din ng isang empleyado ng fastfood. Ayon sa mga awtoridad iniimbestigahan nila ang insidente kung may kinalaman ito sa trabaho ni Bernardo bilang journalist.

Ang global freedom of expression campaign ay mula Nobyembre 2 hanggang Nobyembre 23.

Noong Disyembre 2013, idineklara ng United Nations and Nobyembre 2 bilang International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists. Ang Nobyebre 2 ay All Souls’ Day sa Christian countries, kabilang ang Filipinas.

Pinili ang Nobyembre 2 dahil ito ay petsang dalawang reporter ng Radio France Internationale (RFI), na sina Ghislaine Dupont at Claude Verlon, ang napatay sa Mali noong 2013.

Ang Nobyembre 23 ang ika-anim anibersaryo ng pag-atake na ikinamatay ng 58 katao, 32 sa kanila ang mga journalist, sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao. Ang Maguindanao massacre ang itinuturing na ‘worst single attack on the press.’

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *