Sunday , December 22 2024

PDEA operatives pa kontra ilegal na droga — BBM

SINABI ngayon ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.,  na kailangang dagdagan ang mga field operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para mapaigting ang kampanya laban sa panganib ng ilegal na droga.

“Kung kulang ang mga operatiba ng PDEA na umiikot sa mga komunidad malabong magtagumpay ang ating kampanya laban sa ilegal na droga,” ani Marcos.

Nauna rito naalarma ang senador matapos iulat ng PDEA na 92 porsyento ng mga barangay sa Metro Manila ay apektado na ng illegal na droga.

Dahil dito nanawagan ang senador na ituon ng ahensiya ang kampanya laban sa malalaking sindikato ng droga.

“Ang field agents ay mayroong mga sariling sources na makapagbibigay ng impormasyon na maaaring magamit ng PDEA para masakote ang malalaking sindikato ng droga sa bansa,” ani Marcos.

Ang masaklap, aabot lamang sa 892 ang field operatives ng PDEA na nakakalat sa 17 regional offices ng ahensiya.

“Talagang kulang na kulang ang ating mga field operatives. Dapat din nating bigyan ng kakayahan ang PDEA na gawin ang misyon nila,” dagdag ng senador

Ayon kay Marcos, bubusisiin niya ang 2016 budget ng PDEA sa pagtalakay ng Senado upang malaman kung paano maaaring madagdagan ang plantilla position para sa mga field operatives ng ahensiya.

Bukod rito, sinabi ng senador na dapat ayusin ng PDEA ang reward system upang makakuha ng impormasyon laban sa mga sindikato ng ilegal na droga.

Dapat din umanong pasiglahin ng PDEA ang pakikipagtulungan sa mga opisyal ng barangay at mga community volunteers upang lalong mapalakas ang kampanya laban sa illegal na droga.  

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *