Friday , November 15 2024

‘Tanim-Bala’ Incidents Balewala Sa Palasyo

1031 FRONTMINALIIT ng Palasyo ang mga insidente ng ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ilang beses nang bumiktima ng mga turista at overseas Filipino workers (OFW).

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., libo-libo katao ang gumagamit ng paliparan at iilan lang ang nasangkot sa sinasabing ‘tanim-bala’ modus operandi ng mga empleyado sa NAIA.

Giit ni Coloma, lahat ng naturang insidente ay iniimbestigahan alinsunod sa data at iginagalang ang karapatang pantao ng mga sangkot dito.

“Libo-libo ang gumagamit ng paliparan at iilan lang naman ‘yung mga nakitaan ng ganitong mga — nakitaan ng bala at lahat ng insidenteng ito ay sinisiyasat nang naaayon sa batas at nagbibigay nang sapat na pagkilala sa karapatang-pantao at mga legal rights ng mga sangkot na indibidwal,” aniya.

Lumalakas ang panawagan ng iba’t ibang grupong migrante na kastigohin ng administrasyong Aquino ang mga opisyal ng NAIA dahil sa kabiguang sugpuin ang ‘tanim-bala’ modus operandi sa NAIA.

Binigyang-diin ni Coloma, pangunahing layunin ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng mga gumagamit ng paliparan at iba pang daungan.

Bukas din aniya ang mga public assistance desk sa mga paliparan at daungan upang tumugon sa mga karaingan ng publiko at tumanggap ng kanilang mga suhestiyon.

Hihintayin na lang aniya ng Malacañang ang mga kongkretong ipapanukala ng Kongreso hinggil sa usapin.

Kamakalawa ay nanawagan ang ilang mambabatas kay pangulong Benigno Aquino III na sibakin si MIAA General Manager Angel Honrado dahil sa kabiguang tuldukan ang tanim-bala modus operandi na naging talamak sa panahon ng kanyang administrasyon.

Nakatakda rin imbestigahan ng Mababang Kapulungan ang mga insidente ng tanim-bala at ipatatawag ang mga biktima at pamunuan ng MIAA at NAIA.

‘Tanim-bala’ sa NAIA bubusisiin ng Senado

PAPASOK na rin ang Senado sa imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na ‘tanim-bala’ scandal sa Ninoy Aquino International Aiport.

Ilang pasahero na ang nagreklamo nang mabiktima ng modus operandi ng hinihinalang airport personnel na tinataniman ng bala ang mga bagahe at saka huhulihin at kikilan nang malaking halaga ng pera.

Sa kanyang Senate Resolution No. 1635, binigyang-diin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, nabahiran na ng korupsiyon ang pagpapatupad ng batas at tila walang aksyon ang mga kinauukulan sa mga tiwaling aiport personnel.

Bukod kay Santiago, maghahain din ng resolusyon si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano para imbestigahan ang usapin.

Batay sa report, anim na kaso na ang naitala sa naturang modus operandi kabilang ang pinakabagong biktima na isang oversease Filipino worker (OFW) at Japanese national na si Kazunobu Sakamoto, kapwa inaresto noong Oktubre 25, bagamat nakapagpiyansa ang Hapon sa halagang P80,000.

Tahasang sinabi ng senadora, harap-harapan na ang ginagawang kalokohan ng mga airport personnel at malakas ang loob na mangikil sa mga pasahero dahil sa paniniwalang hindi sila mapaparusahan.

Nabatid na naglusad ng petisyon ang grupo ng OFWs para himukin ang mga awtoridad na gawan ng karampatang aksyon ang korupsiyon sa airport na madalas OFWs ang mga nabibiktima.

Sa resolusyon, nais ng mambabatas na gumawa ng task force para imbestigan ang eskandalo, upang maparusahan ang mga tiwaling alagad ng batas at gumawa ng mga mekanismo na tuluyang magsasawata sa kalokohan ng ilang airport personnel.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *