Monday , December 23 2024

Networks signal ‘di puputulin sa APEC Summit

HINDI pa ikinokonsidera ng pamunuan ng pambansang pulisya o wala sa kanilang plano na pansamantalang ipaputol muna ang networks signal sa ilang mga lugar kaugnay ng nakatakdang APEC Summit sa susunod na buwan.

Ayon kay PNP chief Police Director General Ricardo Marquez, pinag-aaralan pa nila ang nabanggit na hakbangin at kailangan din aniyang timbangin ang kaligtasan ng mga delegado at posibleng ‘inconvenience’ sa hanay ng mamamayan.

Pagbibigay-diin ni Marquez, nag-level up na sila ng kanilang ‘target hardening’ na inaasahang posibleng puntahan ng mga dayuhang turista na baka puntahan din ng mga delegado.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan sa kanilang foreign counterparts hinggil sa ipatutupad na seguridad.

Sa kabilang dako, aminado si Marquez na ilan sa security template na ipinatupad noong Papal visit ay siya ring gagamitin ng PNP sa nalalapit na international event sa susunod na buwan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *