Friday , November 15 2024

May integridad na halalan panawagan ni Alunan

NANAWAGAN si dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Rafael Alunan III sa sambayanang Filipino na magkaisa upang matiyak ang malinis, mapayapa, maayos at may integridad na eleksiyon sa 2016.

Ayon kay Alunan, kumandidatong senador sa ilalim ng Bagumbayan Party, panahon na upang mamulat ang mamamayan na napakahalaga ng kanilang mga boto para magkaroon ng kredibilidad ang darating na eleksiyon upang hindi matulad sa mga halalan noong 2010 at 2013 na namaniobra ang resulta ng halalan.

“Dapat talagang magsama-sama tayo upang matiyak na tapat, malinis, mapayapa at maayos ang halalan sa Mayo 2016 dahil sa mga boto natin nakasasalay ang integridad ng nalalapit na eleksiyon,” sabi ni Alunan. “Hindi dapat maulit ang naganap noong 2010 at 2013 elections na gumamit ng pandaraya ang ilang personalidad upang maipanalo ang mga hindi karapat-dapat mamuno sa pamahalaan.”

Nanawagan din siya sa taumbayan na bantayan ang paggastos ng pamahalaan lalo sa calamity funds na maaaring magamit  para  paboran ang ilang kandidato ng administrasyon.

“Hopefully, ang calamity funds ng pamahalaang nasyonal at lokal ay hindi lang sapat para sa emergency response, rehabilitation at recovery, kundi may sobra pa para sa mga darating pang mga bagyo. Huwag sanang ma-divert ang pera sa politika,” dagdag ni Alunan.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *