Monday , December 23 2024

Comelec handa sa galit ng late registrants

SINASANAY na ng Commission on Elections ang mga empleyado nila sa posibleng galit at ganoon din ang mga mura na kanilang matatanggap mula sa mga magpaparehistro sa ilang araw na lamang na natitira. 

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, hindi masisi na magalit ang mga maghahabol ng kanilang registration dahil  hindi nila agad tinangkilik ang maagang paalala nila tungkol sa pagpapa-biometrics at pinili ang maghabol sa pagpaparehistro.

Dagdag niya, inaasahan nila na maraming mga galit na registrants ang magpo-post ng video sa internet sa mga hindi napagbigyan dahil ginagawa rin nila ang kanilang trabaho.

Nagpadala na sila ng karagdagang volunteers na tutulong sa ilang election registration center dahil inaasahan nila ang pagdagsa ng late registrants. 

Absentee voting ipinanawagan ng Comelec

NANAWAGAN ang Comelec na samantalahin ang ipatutupad nilang absentee voting sa government officials, government employees, members ng PNP, military, maging media sa Abril 27-29 na mas maaga sa May 9, 2016 election.

Makaboboto sila sa president, vice president, senators at party list-representatives.

May hanggang Marso 7 ang mga nais mag-avail ng absentee voting at dapat sila ay pumunta sa local Comelec offices.

Dapat isumite ng mga mag-a-avail ng absentee voting ang certificate na sila ay naka-duty sa darating na halalan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *