Friday , November 15 2024

Publiko binalaan ng kongresista vs ‘#ATM LAW’

 1028 FRONTNANAWAGAN kahapon si Quezon City 6th District Congressman Jose Christopher “Kit” Y. Belmonte na pairalin ang “sobriety and circumspection” kasabay ng babala laban sa banta ng “#ATM Law” na nararanasan na sa kasalukuyan.

Ang “#ATM” ay isang hashtag na kumakatawan sa mga katagang “At The Moment,” at tumutukoy sa mga pangyayari kasabay ng pagpopo-post nito sa social media.

Ito ay laban sa dami ng impormasyong naibibigay ng internet at pagtawid ng kaalaman sa social media na kasimbilis ngayon ng kaisipan.

“Sana’y nauunawan ninyo ako. Nakamamangha ang naibibigay na pakinabang ng internet sa palitan ng impormasyon sa bilis na ni sa hinagap ay hindi sumagi noon. Ngunit marami rin mga panganib at nakikita natin ito sa bilis ng paghuhusga at pagkondena ng publiko  sa mga indibidwal o grupong naakusahang siya o sila ang may kagagawan,” daing ni Belmonte na isang abogadong nagtapos sa UP.

“Halimbawa, ‘yung driver na nag-counterflow ang sasakyan. Pinutakti ng batikos ng netizens at agad nabansagang ‘abusado’ hanggang napag-alaman na isa palang doktor na inaantay ng pasyenteng nag-aagaw-buhay. Ngunit ang panghuhusga sa kanya ay napakabilis, sa kabila ng kawalan ng konteksto,” paliwanag ni Belmonte.

Ayon sa kanya, ang paggamit ng media upang maghayag ng mga hinaing o magparatang, o magsagawa ng binansagan nitong “prosecution by presscon,” ay isang malaking banta sa “presumption of innocence” at sa karapatan sa isang pantay na paglilitis.

“Halimbawa ‘yung alegasyon ng isang dating ministro ng INC laban sa pamunuan ng simbahan. Ayon dito, ‘yung mga ministro na ang tungkulin ay magligtas ng mga kaluluwa, ngayon ay nasa katungkulan na rin ng pagkitil ng buhay. Napakabigat na mga paratang na nararapat lamang na tinatalakay sa isang paglilitis sa isang “court of law” at hindi sa “court of public opinion,” ayon sa Kongresista.

Tinutukoy ni Belmonte ang ginawa ng dating ministro ng INC na si Lowell Menorca II, na inakusahan ang pamunuan ng INC ng pangingidnap at tangkang pagpatay sa kanya.

Ayon sa Mambabatas, “Sa totoo lang, kung pagmamasdan mo ang video noong kanyang idinetalye ang umano’y pagkidnap sa kanya, ang unang reaksiyon nino man ay damdaming dapat makulong ang mga sangkot dito. Ngunit hindi ganoon ang paraan ng batas. Ipinapalagay ng batas na inosente ang akusado, na ang may obligasyong maglabas ng mga ebidensya at patunay ay nag-aakusa. Sa isang hukuman, pababalintunaan ang mga alegasyong iyon at oobligahing magpakita ng ebidensya. Siya ang magpapatunay noon ‘beyond reasonable doubt.’ Hindi ganoon kasimple ‘yan.”

Dagdag ni Belmonte, ngayong nagbunyag na si Menorca sa publiko, marami ang malilito kung idi-deny ng Court of Appeals ang isinampang Writ of Amparo and Habeas Corpus. Ngunit dahil ito ang batas, “ito ang eksaktong kaparaanan ng batas.”

“Nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema ang pamilya ni Menorca kasabay ng alegasyon na ang INC umano ang kumupkop kay Menorca. At dahil malaya naman siyang magsagawa ng presscon, halatang wala sa kustodiya ng INC. Malinaw na ang usapin ay walang halaga at kailangan nang idismis, kumbaga ay moot and academic,” ani Belmonte.

“Natural makisimpatiya kay Menorca dahil umiiyak siyang humarap sa kamera at mukha namang nakaaawa kaya iisipin ng tao inareglo ang kaso. Iyan ang banta sa new media ngayon.”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *