Friday , November 15 2024

4.9 magnitude quake yumanig sa SOCCSKSARGEN

GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng magnitude 4.9 lindol ang bahagi ng Don Marcelino, Davao Occidental kahapon ng umaga

Sa impormasyon mula sa Philippines Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig dakong 10:32 a.m. at may lalim na 64 kilometro.

Habang ang sentro ay natukoy sa walong kilometro sa kanlurang bahagi ng nabanggit na lugar.

Samantala, naramdaman din ang naturang pagyanig sa lungsod ng Heneral Santos, Sarangani at iba pang kalapit na lugar.

Ayon sa Phivolcs, ‘tectonic in origin’ ang nasabing lindol.

Gayonman, walang naitalang sugatan o kaya napinsalang ari-arian bunsod nang pagyanig.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *