Friday , November 15 2024

2 dalagita ginilitan ng tiyuhin, suspek nag-suicide

CEBU CITY – Patay ang dalawang dalagita makaraang gilitan sa leeg ng tiyuhin na pagkaraan ay naglaslas din ng kanyang leeg dakong 10 p.m. kamakalawa sa Sitio Lower Kalangyawon, Brgy. Napo, lungsod ng Carcar sa Cebu.
Kinilala ang mga biktimang sina Rosalyn Mangyao, 11, at Charmaine, 16, habang nagpakamatay makaraan ang krimen ang suspek na si Domingo Mangyao, kapatid ng kanilang ama.
Ayon kay SPO4 Joramie Tanod-tanod, imbestigador ng Carcar Police Station, nadatnan ng mga magulang ng mga biktima na galing sa lamay, ang kanilang dalawang anak na may gulang na 2-anyos at 4-anyos, na may bahid ng dugo sa kanilang damit.
Nang usisain, isinalaysay ng dalawang bata na nakita nila nang gilitan ng suspek ang kanilang dalawang ate gamit ang itak. Pagkaraan anila ay nagpakamatay rin ang suspek.
Dagdag ng dalawang bata, nakaligtas sila sa krimen nang  magtago sila sa ilalim ng palanggana.
Pagpasok ng mga magulang ay natagpuan nilang wala nang buhay ang mga biktima.
Napag-alaman, ang suspek ay dati nang nakulong sa kasong pag-hostage sa sarili ring pamangkin.
Siya ay sinampahan din ng kasong illegal possession of firearms ngunit nakalabas agad nang hindi ituloy ng pamilya ang pagsasampa ng kaso.
Pahayag ng mga kaanak, dati nang nakaranas ng nervous breakdown ang suspek.
Ayon kay Ranulfo, ama ng mga biktima, gumagamit din ng droga ang kanyang nakababatang kapatid.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *