MAHIRAP talunin ang isang taong hindi sumusuko, minsang wika ni Babe Ruth—isa sa pinakadakilang manlalaro sa larangan ng baseball.
Sa mga katagang ito hinugot ni Gobernador Ramil Hernandez ang pag-hamon sa mga lumahok na kabataang atleta sa isinagawang national championships ng 2015 Milo Little Olympics na ginanap sa Laguna Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.
“Maipapakita ng mga kabataan dito ang tibay ng kanilang galing sa napili nilang laro… ang tibay ng dibdib para maitawid hanggang matapos ang kanilang laro, tibay na makipagsalamuha at makipagkapwa-tao sa kanilang mga kakampi at katunggali, at tibay ng puso na makayanan at tanggapin ang pagkatalo,” idiniin ng pinamataas na opisyal ng lalawigan.
Itinuring ng gobernador ang Milo Little Olympics na hindi makakalimutang kaganapan sa larangan ng palakasan na napakahalaga sa paghubog ng pagkatao ng atleta, partikular sa mga kabataang estudyante na mula sa iba’t ibang eskuwelahan ay lumahok para makipagtagisan ng kanilang galing sa sports.
Hindi rin isinantabi ni Hernandez ang paghihirap ng mga magulang ng mga kalahok sa taunang Olimpiyadang pinangunguna-han ng Milo.
“Kung hindi sa inyong mga magulang,” punto niya sa mga kabataan, “hindi ninyo mararating ang inyong kinaroroonan ngayon. Mahalaga ang walang-sawang suportang ipinagkaloob sa inyo ng inyong pamilya at ga-yon din ng inyong pangalawang magulang—ang inyong mga guro,” aniya.
Binanggit din ng gobernador ang mati-yagang paggabay ng mga alkalde na humikayat sa bawat kabataan para ipagpatuloy nila at kompletohin ang kanilang ma-tinding training para makamit ang kanilang inaasam na maging kampeon at bayani ng kanilang pinagmulang lungsod o lalawigan.
ni Tracy Cabrera