Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Opisyal ng Antipolo PNP dagain

THE WHO logoTHE WHO ang isang “Junior Officer” ng Philippine National Police (PNP) na maraming alagang daga sa dibdib kung kaya’t pinursige niyang malipat sa Antipolo police station.

Ayon sa ating alagang Hunyango, bago mapunta sa Antipolo police si Junior Officer, nadestino muna siya sa ibang lalawigan na infested area ng New People’s Army (NPA).

Dahil sa ganoong sitwasyon, dito na nabulabog ang maraming alagang daga sa dibdib ni sir kung kaya’t ‘di na siya halos makakain sa takot noon.

Lagabog! Lagabog! Lagabog! Lagabog! Lagabog!

Ganyan raw ang tunog ng tibok ng puso ni sir noong naroon pa siya.

Wahahahahahahahahaha!

Hindi lang ‘yun. Dahil sa sobrang takot na-praning na raw yata si sir dahil kahit mga kasamahan niyang lespu, pinaghinalaan niyang papatayin siya.

Ang resulta hindi na  rin siya makatulog sa gabi!

Wow pare lakas tama!

Tira pa ng katol more!

Sa sobrang karuwagan, kung sino-sinong tao raw ang nilapitan ni bagitong opisyal para malipat lang siya sa Antipolo City at nang makatakas sa bangungot ng kanyang buhay.

Bandang huli, nagtagumpay naman si sir  at sa kasalukuyan pakuya-kuyakoy na lang sa kanyang puwesto dahil nakahulagpos na  siya sa lugar na itinuring niyang impiyerno.

Hehehehehehehehe. Ayos!

Ang ipinag-aalala ng mga kasamahan niyang pulis ngayon sa Antipolo PNP, baka makasama nila si Sir sa bakbakan at iwan sila sa ere dahil naihi sa takot.

Hahahahahaha!

‘Yan ang abangan natin!

WHO-LAAN n’yo kung sino si sir na tinaguriang “Kapoy” ng mga Pangasinenseng tulad ko.

Gets n’yo?!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …