Friday , November 15 2024

INC dasal para kay Menorca (Isyu maaaring samantalahin)

1027 FRONT“KUMAKATOK sa tarangkahan ng langit” sa paraan ng panalangin ang mga pinuno ng Iglesia ni Cristo (INC) para humingi ng “kaliwanagan” ukol sa dati nilang kasamahan sa panunungkulan.

Ito ay sa gitna ng alegasyong itinago nila ang dating ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca nang labag sa sarili nitong kalooban.

Ayon sa INC legal counsel na si Atty. Patricia-Ann Prodigalidad, higit pa sa banta ng mga kasong isasampa laban sa kanila ni Menorca, mas pinangangambahan umano nila na baka “samantalahin ng iba” ang usaping ito laban sa kanila.

“Ang mga opisyal ng INC ay nanunungkulan bilang tagapagsilbi ng kanilang pananampalataya at pangunahin dito ay pagtiyak sa ikabubuti ng kanilang mga kaanib, at ang damdaming ito ay tumutulay kahit doon sa mga dating kasamahan. Kaya nga kahit naging tampulan ng mga paratang, patuloy silang nananalangin para kay Ginoong Menorca, sampu ng kanyang pamilya,” ayon kay Prodigalidad.

Binigyang-diin ng abogada na tutugunan ng pangasiwaan ng INC ang mga alegasyon sa tamang bulwagan at makikipagtulungan sa mga may kapangyarihan dahil batid nila na kapag tatratuhin sila nang naaayon sa katuwiran, mapapatunayan nilang sila ay inosente sa mga napapaulat na paratang.

Buong pagtitiwalang umaasa ang abogada at ang kanyang mga kliyente na “hahakbang ang hukuman nang may kahusayan at magpapasya nang may pagtalimang naaayon sa batas.”

Ikinababahala rin ng matataas na opisyal ng INC, ayon kay Prodigalidad, ang “timing” ng mga alegasyong naglabasan.

“Ngayong mahigit anim na buwan na lang bago ang halalan, hindi natin maipagkakait sa kanila kung sila’y mangamba laban sa banta ng pananamantala ng mga kampong nagnanais politikahin ang nasabing isyu sa harap ng masinsing atensyon ng media,” ani Prodigalidad. 

“Hiling nila, kung ano ang nararapat at makatarungan – na ituturing ang hablang ito kagaya ng karaniwang kaso lamang,” paliwanag ni Prodigalidad. “Ipinagdarasal din nilang sila ay makaranas ng mga karapatang tinatamasa ng lahat sa atin, lalong-lalo na ang “presumption of innocence.”

“Mali ang mga paratang, at papatunayan namin ang kabalintunaan n ito,” dagdag ng abogada kasabay ng paalala na ang mga usaping ito ay “sub judice” na sa ngayon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *